Mga Uri Ng Tao Sa Lipunan Noong Unang Panahon

Mga uri ng tao sa lipunan noong unang panahon

Answer:

1. Datu na kilala sa tawag na gat o lakan. Kilala naman sa tawag na dayang ang asawa ng datu. Ang datu ay may malawak na kapangyarihan. Gumaganap siya ng mga tungkulin bilang tagagawa ng mga batas, tagapagpatupad ng mga batas at tagahatol. Siya rin ang kinikilalang pinuno ng mga mandirigma sa barangay. Ang pangunahing tungkulin ng datu ay ang pangasiwaan at pangalagaan ang kapakanan ng kanyang mga nasasakupan. 2. Timawa o tinatawag na malayang tao sa lipunan. Hindi sila nagbabayad ng buwis sa datu ngunit may tungkuling sumama sa kanya sa digmaan. Tumutulong sila sa pagtatayo ng bahay ng datu at sa pagtatanim sa mga sakahan nito. Malaya silang nakakahalubilo ng mga datu sa mga piging at salu-salo ng mga maharlika. 3. Alipin na siyang pinakamababa sa lahat ng mamamayan. May dalawa itong uri: Aliping saguiguilid at aliping namamahay. Ang mga aliping namamahay ay mga karaniwang tao na pinipili ng datu upang maglingkod sa kanyang sambahayan. May sarili silang bahay ngunit tungkulin nilang magsilbi sa tuwing may pagtitipon sa bahay ng datu. May sarili din silang lupa at iba pang ari-arian na namamana ng kanilang mga anak. Ang mga aliping saguiguilid naman ay mga alila. Wala silang mga ari-arian. Naglilingkod sila sa bahay at sakahan ng mga maharlika. Maaari silang ipagbili sa ibang pinuno ng pinunong kanilang pinaglilingkuran.

Explanation:


Comments

Popular posts from this blog